VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Search | Check update time | Archives: 123[4]56 ]
Subject: When I grow to be a lady 2


Author:
Lola Nila
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 12:31:41 06/25/03 Wed

O anoh? kita nyo na ang legs ng apo kong si Udjak? diba ang ganda parang si Nancy Navalta..

Opo grade 1 po ako noon. yakap-yakap ko pa ang 2 latang gatas na pampalubag loob mula sa Darigold. Ewan ko kung sino ang nanalo doon, siguro yung anak ng bise-mayor sa aming bayan. "When I grow.." peborit song kasi ng guro ko yan na si Gng. Mancera. Ang guro namin na lagi akong binabato ng kanyang sapatos dahil sa kadaldalan ko. Mabuti na lang mabilis akong umilag. Hayun purol sa ulo ni Gorio Auman ang sapatos na parang barko ng Donya Paz. Ewan, hindi ko lubos maisip na itong si Gorio na ang 2 ngipin na parang kangaroo ay naging ganap na pari. Kasapi po siya ng Oblete of Mary Immaculate. Na ang Gorio na ito ay hindi ako binigyan ng regalo sa manito-manita namin sa Krimas party. Ano ako hilo? hindi ko rin binigay kay Pedro Ruedas ang gift ko na puro candy na nakalagay sa kahon ng lion-tiger katol. Hindi ko akalain na ang Pedrong ito na puro libag ang leeg na pwede mong taniman ng kamote ay mayaman na ngayon. Kapitan na po siya ng barko. Kaya kayo kung ang anak nyo ayaw maligo at maraming libag, pabayaan nyo na baka lucky charm yan tulad kay Pedro.

Sa Krimas party ding ito gumawa ng eksena si dear mader. Pagkatapos naming pagsaluhan ang handa ni Gng Mancera na pancit bijon, sandwich na ang palaman ay star magarine, at juice na malabnaw ay deretso kami sa social hall para sa isang program na ang guest ay mga parents. Nang matapos magsayaw ang grade 2, buong yabang na umakyat sa staged ang grade 3 para sa isang chorus. Maya-maya pumagitna si Sylvia para mag solo number. Ewan ko ba ang lukaret kong mader na nagmana yata sa akin, bigla ba naman nasambit na paglakas-lakas na "ANG PANGIT NAMAN NG BATANG YAN!" Opo pangit naman talaga si Sylvia (kasi alam ni mader na ang kanyan nina bonita ay potential beauty queen). NAKU POhhh! bigla ba namang tumayo si Gng. Balbuena ang guro ng grade 3. Pulang pula ang mukha hindi lang dahil sa pulbo ng kukuryo kundi sa tinding galit. Siguro ang lahat ng dugo nito ay umakyat sa ulo. Bigla pong minura ang aking dear mader. Opo mga ineng, si Gng. Balbuena ay nanay lang po ni Sylvia. Hay, riot talaga ang kasunod nag-sabunutan si mader at si Gng. Balbuena. Tinalo po nila ang lahat ng presentation ng grade 1, grade 2, grade 3, grade 4, grade 5, at grade 6.

Sinong nanalo? Of course, ang aking dear mader. Sanay yan makipagbuntalan sa pader ko noh. Napalambot ni mader ang buhok ni Gng. Balbuena pa pinatuyo ng spray net.

i-2-2-loy....

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Replies:
[> Subject: Ang ganda talaga ng childhood story mo Lola. Punung-puno ng aral. Lalo na yong tungkol sa libag. Tapang ng Mader mo. Mahaba ba ang kuku nya?


Author:
Byutipol
[ Edit | View ]

Date Posted: 13:22:08 06/25/03 Wed


[> Subject: Hi,hi,hi,hi,(ngok) enjoy akoooooo ! Lola tenk yu por da address. Papadala ako ng latest ????? ko sa yo ! Lab you, Lola !


Author:
Inday Aray
[ Edit | View ]

Date Posted: 13:28:35 06/25/03 Wed


[> Subject: Juskoday! Graveh ang kuwento mo Lola Nila..para akong nagbabasa ng Aliwan Komiks..pati na ang mga characters at descriptions mo...bring back memories noong ako'y nag-aaral sa mababang paaralan! Hay naku...kuwela ka talaga! Hahahaha !!! I can't wait sa kasunod ng classic na classic na ' itutuloy' !


Author:
Gul Bangag
[ Edit | View ]

Date Posted: 17:31:10 06/25/03 Wed


[> Subject: Re: Super aliw naman ako sayo Lola Nila! Aba nakakarelate din ako dyan ha way back nung elementary pa ako sa Paranaque. Every morning pag flag ceremony minsan ako ang nag kukumpas sa Bayang Magiliw o kaya naman mag lelead sa morning exercise, tapos pag recess yung ibang students approach sayo di ba ikaw yung nasa harap kanina? section 1 ka di ba? ang galing mo! Grabe! over talaga sa ka chepan nung bata ako!


Author:
Mharck
[ Edit | View ]

Date Posted: 18:28:01 06/25/03 Wed


[> Subject: alam mo lola, di ko na nakikita ang mga classmates ko noong grade school pero fresh pa rin sa memory ko... at ngayon ay medyo natatawa ako kapag sumasagi sa aking isip ang ilan sa kanila... hindi ba masayang isipin na inosente ka noon, pero ngayon ay alam mo na kung sino sa kanila ang malamang na lumaking maganda, kahit ang pangalan ay Federico, Miguel, Carlo, Anastacio... haaaay ! ano kaya ang mga pangalan nila ngayon?


Author:
MANANAYAW
[ Edit | View ]

Date Posted: 18:45:55 06/25/03 Wed



[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-11
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.