VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time ]


[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Date Posted: 22:18:23 01/11/04 Sun
Author: Doris
Subject: CBCP-CINEMA film review of "Filipinas"

Hey Guys! Here is the complete film review of "FILIPINAS" of the Catholic Bishop Conference of the Philippines'(CBCP) Catholic Initiatives for Enlightened Movie Appreciation(CINEMA)-

Title:
FILIPINAS

Running Time:
101 min.

Lead Cast:
Maricel Soriano, Richard Gomez, Aiko Melendez, Dawn Zulueta, Victor Neri, Wendell Ramos, Raymond Bagatsing, Andrea Del Rosario, Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Anne Curtis, Mikel Campus and Armida Sigion-Reyna

Director:
Joel C. Lamangan

Producer:
Vic del Rosario

Screenwriter:
Roy Iglesia

Music:
Jessie Lucas

Editor:
Marya Ignacio

Genre:
Drama

Cinematography:
Rolly Manuel

Distributor:
Viva Films

Location:
Manila

Technical Assessment:
• • • ˝

Moral Assessment:
+ + + ˝

CINEMA Rating:
For viewers of all ages



Humihina na ang negosyo ng pamilya Filipinas na pagtatanim ng sibuyas sa kanilang lupa. Habang patanda na nang patanda ang kanilang ina (Armida Siguion-Reyna), may kani-kaniya namang mga pangarap at mithiin sa buhay na pinagkakaabalahan ang mga magkakapatid. Tanging ang panganay na si Flor (Maricel Soriano) lamang na tumatandang dalaga at ang lubos na kumakalinga sa kanilang ina. Nang dumalaw mula sa Amerika si Samuel (Richard Gomez), panganay na lalaki, unti-unti nang lumutang sa pamamagitan ng mga di-mapigilang hidwaan ng magkakapatid ang mga hinanakit ng bawa't isa na akala nila'y nailibing na sa limot sa pagdaloy ng panahon. Umabot sa sukdulan ang gulo sa pamilya nang humantong ang di na mabilang na pagkakabungguan ni Samuel at Eman sa pagbagsak at tuluyang pagkaka-comatose ng kanilang ina.

May tanging kataga na angkop na angkop sa Filipinas: malaman. May malamang kuwento na buong-buo ang pagkakasalarawan, at maaaring mag-akay sa manonood sa higit pang malalalim na isiping may kinalaman sa pakikipag-ugnayan at buhay ng isang pamilya. Ang "lakas" ng Filipinas ay nasa napakahusay na pagganap ng mga punong tauhan (sa papel ng buong pamilya), lalung lalo na ni Maricel Soriano bilang isang matiising anak at tapat na kasintahan; ang kasaysayan ng pamilya ay sa kanya ring mga mata matatanaw. Lapat ang musika, sinematograpiya, at lahat pang mga aspetong teknikal ng pelikula, bagamat litaw na litaw ang ganda ng dialogue na binigyang diin pa ng akmang focus ng camera sa makatotohanang pagganap ng mga artista sa kani-kaniyang papel

Makikita ng mga manonood ang kanilang sarili sa alin man sa mga tauhan ng pamilya Filipinas. Ang mga ipinapakitang kalagayan at suliranin na karaniwang natatagpuan sa mag-anak—tulad ng inggitan, paninibugho, pagkikimkim ng galit, paboritismo, pagkasiphayo, pagkasira ng mga pangako, at iba pa—ay naroon sa pelikula, at nag-aanyayang pag-isipan ang mga ito bilang daan tungo sa ikabubuti ng pag-uugnayan sa pamilya. May isang wasto at napapanahong mensahe ang Filipinas sa manonood: bagama't mahirap nang pagkatiwalaan ang mga institusyon natin tulad ng militar at simbahan, may isa pang nalalabing institusyon ang masasandigan pa rin ng isang tao—ang pamilya. Nais sanang bigyan ng CINEMA ng GP rating ang Flipinas, ngunit may nilalaman itong mga sangkap na kailangang ipaliwanang nang mabuti sa mga murang isipan, kungdi'y maaaring mag-iwan ito ng mali o nakaliligaw na impresyon sa isipang salat pa sa pang-unawa.



(Date Reviewed: December 26, 2003)

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Post a message:
This forum requires an account to post.
[ Create Account ]
[ Login ]
[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.