Subject: CHARLIE'S ANGELS circa 1970's |
Author: Miqui
| [ Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 07:06:29 06/26/03 Thu
NAKAKABALIW ang nagaganap sa OPMB. May hacking, copying, ripping off, at ebak pa. Ava, pero buhay pa rin tayo. Ang bright side sa nangyayari ay tumitindi ang bonding ng members ng OPMB habang ito ay sinisira. Napakatamad ko sa pag eemail pero pag sarado ang OPMB, mail agad kay Didi.
Anyway, tuloy ang ligaya. Bukas na ang opening ng Charlie's Angels (CA). Nag flashback tuloy yung TV series ng 1970's sa aking isip. Bata pa ako ng mapanood ko ang CA TV series. Kaya kung may kulang sa post na ito, fill the gap. (hoy, mareng aileen, gising!)
1977 nang magumpisa ang CA sa Pinas through Channel 7, Sunday at 9 pm. Kaya after Superstar sa Channel 9, pahinga muna bago mag CA.
Una si Charlie Townsend ang pinakaboss na may ari ng detective agency. Boses ni John Forsythe ang ginamit na hindi nakita ang mukha kahit kailan. Nakita lang ang kanyang mukha sa Dynasty bilang Mr. Carrington.
Si Bosley ang nag iisang lalaki sa show na ginampanan ni David Doyle. Kahit na mukhang palaka, cute sya at mabait o fatherly ang dating sa show.
Ang mga mujeres:
1. Sabrina Duncan (Kate Jackson) ang pinaka least pretty sa original na angels. Matigas ang dating pero pinaka smart ang pino project na image. Si Jackson ay napangasawa ni Andrew Stevens na anak ni Stella Stevens pero nag divorce din sila. Si Jackson ay pinaalis sa series dahil sa pagiging reklamadora na wala daw kalatoy latoy ang script ng show. Isa lang ang napanood kong movie ni Jackson after CA, ang Making Love, pelikula ng isang babaeng may asawang bading.
2. Kelly Garrett (Jaclyn Smith) ang pinaka maganda sa lahat ng angels. Siya lang ang natira sa orig na angels nang ito ay matigbak ng 1981. Napangawa niya si Dennis Cole na nag guest sa CA pero nag divorce din. Pagkatapos ng CA, gumanap din si Smith sa mga tele series at ang pinakamaganda ay ang Rage of an Angel na hango sa libro ni Sidney Sheldon.
3. Jill Munroe (Farrah Fawcett-Majors) ang pinaka tanyag sa mga angels. Kilalang kilala sa kanyang buhok na tikwas sa harap. Imaginin na lang ang mga babae noon na pilit ginagaya ang style ng buhok niya. Naging asawa niya si Lee Majors na bida sa Six Million Dollar Man bilang Steve Austin nag divorce tapos naging jowa ni Ryan O'neal na hiwalay na din ngayon. Una syang umalis sa CA at pagkatapos noon binago ang style ng buhok, ayun nawala ang kasikatan. Gumawa ng mga pelikula na hindi kumita tulad ng Burning Bed and Extremities. Nagpose sa December 1995 ng Playboy sa edad ng 48, kaya mo yan HRH GSB.
4. Kris Munroe (Cheryl Ladd) ang totally packaged na angel, maganda, ismarte at sexy. Siya ay pumalit kay Farrah Fawcett at ang role niya ay bilang kapatid ni Jill Munroe. Siya ang nagtagumpay na angel pagkatapos ng CA, naging movie star, tv star at singer na rin.
5. Tiffany Welles (Shelley Hack) ang pinaka walang kalatoy latoy na angel na pumalit kay Kate Jackson ng ito ay tsinugi ng produ. Dating model na sumikat bilang model ng pabangong Charlie. Maganda at matangkad pero hindi marunong umarte. Ang pinakamaiksing gumanap na angel. Napabalita na dapat si Barbara Bach ang kukunin pero biglang umentra si Miss Hack (o familiar ba yang apelyido na yan, as in HACK) Pagkatapos ng CA gumanap sa pelikulang ang theme song ay "If ever I see you again" ni Roberta Flack.
6. Julie Rogers (Tanya Roberts) ang pinakahuling angel na pumalit kay Miss Hack ( o Hack daw uli). Ambivalent ang reactions sa pagpasok ni Roberts sa CA, mayroon ayaw mayroon gusto sya. Sexy siya pero medyo bastusin ang dating. Nang matapos ang CA, nagkaroon siya ng mga movies tulad ng Purgatory at Sheena.
Ang Charlie's Angels ay ang show na gusto ng mga lalaki dahil sa sexing stars at maraming cleavage exposure. Gusto ng mga babae dahil sa glamor. Gusto ng mga budding dading dahil sa ito ay nagbigay ng pwedeng pag ilusyonan. Ako pinanood ko ang CA dahil crush ko noon si Jaclyn Smith.
Pero sa totoo lang, mas gusto ko ang Little House on the Prairie sa Channel 7 kaysa sa Charlie's Angels.
Haaay ang haba na pala. Sige na po.
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
] |
|