VoyForums
[ Show ]
Support VoyForums
[ Shrink ]
VoyForums Announcement: Programming and providing support for this service has been a labor of love since 1997. We are one of the few services online who values our users' privacy, and have never sold your information. We have even fought hard to defend your privacy in legal cases; however, we've done it with almost no financial support -- paying out of pocket to continue providing the service. Due to the issues imposed on us by advertisers, we also stopped hosting most ads on the forums many years ago. We hope you appreciate our efforts.

Show your support by donating any amount. (Note: We are still technically a for-profit company, so your contribution is not tax-deductible.) PayPal Acct: Feedback:

Donate to VoyForums (PayPal):

Login ] [ Contact Forum Admin ] [ Main index ] [ Post a new message ] [ Search | Check update time | Archives: 12[3]45678910 ]
Subject: TIK TIK TAK TAK ORIGINAL


Author:
BADONG
[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]
Date Posted: 09:06:40 04/15/23 Sat

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabing Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.

Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang noon. Narinig kong kumakatok si Itay sa aking pinto. Nang sagutin
ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw naming mag-usap at huminging papasukin siya. Binuksan ko ang pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid.

Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto.

Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking mga labi. Napasigaw ako. ITAY, huwag,
huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!"

Nguni't parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop ka! Hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo! Huwag
mong sirain ang kanyang kinabukasan".

Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay. Nanatili na lamang akong walang katinagtinag at ipinaubaya ko na lamang ang aking
sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.

Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at pagkagulat sa aking
nakita. Magaling palang mag-make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na matutuwa ang
aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon.

Niyakap ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.

[ Next Thread | Previous Thread | Next Message | Previous Message ]

Replies:
Subject Author Date
Aaaaay! Si Dyosa Pockoh po siya! (NT)Chinica nya na, dali !19:04:15 04/15/23 Sat
Si Badong po ba at si Pacifica Palaypay ay si Poponggay din? (NT)AskingCole07:55:34 04/17/23 Mon


[ Contact Forum Admin ]


Forum timezone: GMT-8
VF Version: 3.00b, ConfDB:
Before posting please read our privacy policy.
VoyForums(tm) is a Free Service from Voyager Info-Systems.
Copyright © 1998-2019 Voyager Info-Systems. All Rights Reserved.