| Subject: Re: Complete lyrics for Anak by Freddie Aguilar |
Author:
Bob & Angie
|
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
Date Posted: 01/ 1/05 7:36pm PST
In reply to:
Singam
's message, "Complete lyrics for Anak by Freddie Aguilar" on 06/11/03 5:49pm PDT
Great website and thanks for getting this together. We made a few minor corrections in the spelling:
Anak by Freddie Aguilar
N`ong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang Nanay at Tatay mo`y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pag-tulog mo
At sa gabi napupuyat ang iyong Nanay
Sa pag-timpla ng gatas mo
At sa umaga nama`y kalong ka nang iyong Amang
Tuwang-tuwa sa `yo
Ngayon nga`y malaki ka na
At nais mo`y maging malaya
Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga`y biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila`y sinuway mo
Di mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa`y para sa `yo
Pagkat ang nais mo`y masunod ang layaw mo,
Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo`y naligaw
Ikaw ay nalulung sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang `yong Inang lumuluha
At ang tanong anak
Ba`t ka nagkaganyan?
At ang iyong mga mata`y
Biglang lumuha nang di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo nalaman mong ika`y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo nalaman mong ika`y nagkamali
Kahapon ay nilimot mo
Pati ang iyong masamang bisyo
Laking pasalamat ng magulang mo
Ikaw nga ay tuluyang nagbago
Natagpuan ang sarili
Galaw ng isip mo, matuwid na
Patuloy ang takbo ng araw at
Ikaw ay natutong umibig
'Di naglaon at ipinasya mong
Lumagay ka na sa tahimik
Pagkabinata mo'y natapos na
Malapit ka nang maging ama
Kaya lalong nagsikap ng husto
Dumating ang iyong hinihintay
Sinilang ang panganay mo
Parang langit ang 'yong nadama
Ngayon anak, alam mo na
Kung ano'ng pakiramdam ng maging isang ama
Ganyan din ang nadarama
Ng iyong ama't ina ng ikaw ay makita
Ngayon iyong naramdaman
Ngayon iyong naranasan
Ngayon iyong maiintindihan
Tama pala ang iyong ina
Tama pala ang iyong ama
Ngayon hindi ka na magtataka
Hindi pala biro'ng maging magulang
O ngayon iyong dinadanas
Hindi pala biro'ng maging magulang
O ngayon iyong dinadanas
Hindi pala biro'ng maging magulang
O ngayon aking dinadanas
[
Next Thread |
Previous Thread |
Next Message |
Previous Message
]
| |