Author: Isang Tagahanga [Edit]
|
Date Posted: 19:10:26 03/01/09 Sun (121.96.33.2.bti.net.ph/121.96.33.2)
Iuulat ko lang po sa inyo ang aking mga nakita, narinig at sariling impresyon sa mga naggagandahan nating mga delegada sa taong ito. Magiging diretso at prangka po tayo sa ilang bahagi ng komentaryong ito pero titiyakin ko sa inyong wala akong pinapanigang kampo o mga partikular na kandidata sa ibabahagi ko sa inyong mga kuru-kuro.
1) Vanessa Johnson - di katangakaran, hindi gaanong balingkinitan ang katawan ngunit di maikakailang isa sa mga may pinakamagandang mukha sa timpalak na ito. Base sa reaksyon sa kanya ng madla, marami rin ang humanga sa taglay niyang ganda. Bagay sa kanyang maging unang kandidata--senyales ng isang magandang simula. 87
2) Caris Kuijpers - di katangakaran, balingkinitan ang katawan at nagtataglay ng pangkaraniwang kagandahan ng isang Pilipina. Bagamat isa sya sa pinaka-maingay na paborito ng mga tagasubaybay ng Bb. Pilipinas, di naman siya pinagkaguluhan ng karamihan sa mga taong nanonood ng parada. Pero base sa kanyang malawak na karanasan sa pagmomodelo at tagumpay sa iba pang patimpalak, maaari nating asahang magagamit ito ni Caris para magtagumpay din sa Binibining Pilipinas. 89
3) Richell Angolot - Pinalakpakan at tinilian sya sa parada DAHIL SYA'Y ARTISTA. Maganda si Rich at maayos naman ang hubog ng kanyang katawan. Sa kabila ng lahat ng ito, maliban na lang kung may magagawa ang kanyang pagiging isang GMA7 talent, baka hindi pa ito ang tamang panahon sa kanyang lubos na pagtatagumpay. 86
4) Rivamonte - 78
5) Diana Arevalo - maganda, kaakit-akit. Pero sa dami ng magagandang kalahok sa taong ito, hindi garantisado ang kanyang pagpasok sa top 10 sa aking opinyon. Sana naman, sakali mang hindi sya lumusot sa taong ito'y muli pa syang lumahok sa susunod na mga taon. 84
6) Bianca Paz - mas maganda sya sa personal kaysa sa larawan. Napapatingkad ng mga larawan ang kanyang may kalakihang ilong. Sa malapitan naman, sya'y maalindog, at may ganda ng isang tunay na Pilipina. 85
7) Mary Jane dela Cruz - mas maganda rin ang isang ito sa personal. Katanungan nga lamang ay kung sapat na ito upang siya'y mapabilang sa top 10. Sa palagay ko'y hindi. 80
8) Cheryl Oliveros - maganda si Cheryl, walang duda. Pero bakit bago pa man siya makaraan ay naka-lingon na ang iba sa susunod na kandidata? Parang di sya pansinin--at hindi ito magandang senyal. 80
9) April Love Jordan - may alindog ding angkin si April. Pero parang mas gusto ko ang kanyang ganda nung una siyang sumali sa Ms. Philippines? Tila mas may ningning ang kanyang mga mata sa timpalak na iyon at parang mas sariwa ang kanyang kagandahan sa una niyang kumpetisyon. Parang nahuli si April ng pagsali sa Binibini ng isa o dalawang taon. Sayang. 82
10) Pricilla Navidad - maganda si Pricilla! Mahaba ang mga biyas at makinis din ang balat. Nakatulong din sa pagkilala sa kanya ng madla ang pagiging dati niyang kasambahay sa bahay ni kuya. May pag-asa si Pricilla, lalo na't kung mai-engganyo ang mga hurado sa kanya dahil sa kanyang determinsayon sa kabila ng kanyang kapansanan. Kaya nga lamang, marami rin sa mga nanood ng parada ang nagsabing suplada sya. Hindi raw sila pinapansin kahit tawagin pa raw nila ng Pricilla! Pricilla! Baka naman kaya -- HINDI SILA NARIRINIG nito!!! 86
11) Regina Hahn - Nagbabalat lang ba ang kanyang kutis dahil sa tindi ng araw o talagang "rough road" ito, gaya ng nabulalas ng ilang nanonood sa parada? 81
12) Jaycel Arozal - gusto ko si Jaycel noong nakaraang taon, gusto ko pa rin sya hanggang ngayon. Gandang Pilipinas, matangkad, mukhang biba at may magandang pangangatawan. Huwag lang sasablay sa pakikipagtalastasan, may pag-asa. 85
13) Sanda Seifert - Mestiza, maganda at balingkinitan ang kanyang katawan. Marami ang nagsasabing may malaki syang pag-asang mag-uwi ng korona. Siguro nga. 92
14) Keann Mallari - mas maganda siya noong 2006 kaysa ngayon. Top 10 sya noon, ewan ko ngayon. 81
15) Bianca Manalo - makinis at may maganda namang mukha kaya't napansin din ng karamihan. Nagpalakpakan para sa kanya ang isang grupo ng mga matrona (siguro ito ay ang mga kaibigan ng kanyang Tita Nini). Mas gusto ko sya kaysa sa kanyang kapatid na dati ring nagwagi pero marami pa ang dapat ayusin sa kanya (lalo na sa kanyang pangangatawan) sakali mang palarin siyang magwagi. 86
16) Jones - maganda din. Sana'y sumali siyang muli sa susunod na taon. 84
17) Marie Ann Umali - di ako nabigo kay Marie Ann Umali sa inaasahan kong kagandahan niya. Maganda rin ang kanyang katawan. Tulad ni Jaycel, harinawa'y huwag sumablay si Marie Ann sa pakikipag-panayam. 90
18) Lorraine de Guzman - maganda, matangkad at may dating si Lorraine. Kung sa ibang taon siya sumali, tiyak na itong pasok sa top 10. Ang napasin ko lang kulang sa kanya ay kanto sa bandang panga, dahil may pagka-bilog ang mukha nito. Sakaling di sya palarin, sana'y maghanda pa sya ng ganap at muling lumahok sa Bb. Pilipinas. 84
19) Stephanie Senires - mas maganda siya sa personal kaysa sa inihahalintulad sa kanyang si Madame Auring. May dating siyang pagka-sopistikada. Baka makalusot sa top 10. 85
20) Melody Gersbach - alam kong maraming tututol pero sa mga pangkaraniwang tagahangang kagaya ko, siya ang pinaka-maganda, pinaka-balingkinitan at pinaka-makinis na kandidata sa parada kahapon. Marami siyang naging mga tagahanga sa mga nanood kahapon sa Araneta Center. Alam niyo naman ang mga Pinoy mahilig sa mapuputing mestisa, at gandang parang artista. Mukhang palaban din ang isang ito. Kahit pa bahagyang umuulan, walang humpay sa kakakaway sa mga tagahanga. Ang tangi kong ikinaka-kaba kay Melody ay ang di nito pagiging matangkad. Hindi rin sya magandang magrehistro sa mga larawan. Sa kabila nito, tingin ko'y walang dudang papasok siya sa top 10. 93
21) Hazel Sutch - medyo mas maganda siya sa personal kaysa sa mga larawan. 81
22) Pricilla Mai Honorio - isang sorpresa! Maganda at grasyosa. Di rin magpapahuli ang isang ito. Pag hindi pinalad sa gabi ng koronasyon, sana'y agarang magbalik si Pricilla sa Binibini. Sa ibang mga taon, marahil ay tiyak na sana siya sa korona--base sa ganda. 85
23) Barbara Salvador - tunay na gandang Pinay at may sarili ring alindog. Pasok si Barbara sa top 10 (para sa akin), lalo na't halata ang kanyang kumpyansa sa sarili. Sana nga lang, ayusin niya ang kanyang pag-ngiti. Walang ningning sa kanyang mga mata pag siya'y ngumingiti. 88
24) Abegail Cruz - may dayaan o wala, papasok naman marahil si Abby. Para siyang Japanese Food - masarap sa iba, ikinasusuka naman ng iba. Sa huli, siya'y may kaibhan sa ibang kandidata. 88
Base sa mga itinala nating marka sa mga kandidata, ang top 10 ay sina: Gersbach, Seifert, Umali, Kuijpers, Salvador, Cruz, Johnson, Angolot, Navidad at Manalo.
Kung top 12 naman, maaaring lumusot din sina: Paz, Arozal, Honorio at Senires.
Sa aking top 5, ganito ko sila gusto iayos base sa mga pamantayan ng mga pandaigdigang timpalak (ang unang pangalan ang aking 1st choice):
Bb. Universe - SEIFERT, Umali, Kuijpers, Salvador
Bb. World - GERSBACH, Kuijpers, Umali
Bb. International - UMALI, Gersbach
1st Runner Up - CRUZ, Salvador, Kuijpers
2nd Runner Up - SALVADOR, Cruz
Isa lamang pong opinyon. Sana'y maging patas ang timbangan ng mga hurado sa gabi ng koronasyon!
|